00:00
04:49
Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit, bakit nagbago ang lahat?
Ang init ng pagmamahal parang naging salat
Pangakong habambuhay
Nangakong 'di magwawalay
Ngunit, ba't lumamig pagmamahal?
Parang 'di na ikaw sa Maykapal ang dinasal
Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan?
Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan? Ooh-ooh-ooh
♪
Ooh, nasa'n ang sumpaan?
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit, bakit ngayo'y nasasaktan?
Hanggang dito na lang ba ang ating walang hanggan?
Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang s'yang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan?
Ano'ng nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?
Ano'ng nangyari?
♪
Hmm-mmm-mmm-mm